Followers

Monday, September 29, 2008

Makabagong Tagalog

Abuloy — bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala —- alam na alam daw.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit —- tanong na laging mahirap masagot.
Bakya —- tsinelas na may takong.
Baga —– lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong — masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado — hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.Bale —– suweldong inutang.
Kaaway — ikli ng ‘kaibigan na Inayawan.’
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag —- utot na naipon sa tiyan.
Kabayo — hayop na sinasakyan Ng kalesa.
Kalbo —- gupit ng buhok na korteng itlog.
Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.
Dilim —- liwanag na maitim.
E ——– ireng paseksi.
Gahasa — romansang walang ligawan.
Ginang — asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.
Ginoo —- inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.
Gipit —- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Ha ——- sagot ng nagbibingi-bingihan .
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan — magdamagan na Palakihan ng tiyan.
Handog — bigay na laging may kapalit.
Hipo —– haplos na may malisya.
Hudas —- tapat na manloloko.
Ibon —– hayop na lumalangoy sa Hangin.
Imposible - pagtaas ng unano.
Insulto — walang hiyang biro.
Isda —— hayop na hindi Nalulunod.
Ita ——- negrong Pinoy.
La ——– ikli ng ‘lalalalala’ sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw —- kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma ——– tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog — hitsura ng tumatabang balat.
Mama —— tawag sa sosyal na ina.
Mano —— kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.
Mantika — katas ng piniritong taba.
Maybahay — asawang utusan sa bahay.
Nakaw —– pagkuha ng walang pasabing ‘akin na lang ito.’
Naku —— ikli ng ‘ina ko, ina na ako.’
Nitso —– bahay ng mga patay.
Nobya —– gelpren na laking probinsya.
Ngalngal — iyak ng walang ipen.
Ngisi —– tawang tulo-laway.
Ngiti —– tawang labas ipen.
Paa ——- bahagi ng katawan na amoy lupa.
Paaralan — dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.
Panata —- dasal na nakatataba ng tuhod.
Regla —– masungit na panahon ng pagkababae.
Sabon —– mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sakristan - utusan ng pari.
Sampal —- haplos na nakatitigas ng mukha.
Ta ——– ikli ng ‘tita’ o lalaking may bra.
Tamad —– taong hindi napapagod sa pahinga.

No comments: